WAKASAN ANG DISKRIMINASYON BATAY SA SOGIESC (Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and Sex Characteristics)!

WAKASAN ANG DISKRIMINASYON BATAY SA SOGIESC (Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, and Sex Characteristics)!
Kung walang malinaw na legal na proteksyon, patuloy na haharapin ng mga indibidwal ang diskriminasyon at pang-aabuso, pagkakait ng akses sa edukasyon, trabaho, at mga pampublikong serbisyo, dahil sa kanilang SOGIESC.

Mahalaga ang pagpasa ng isang batas tulad ng SOGIESC Equality Bill upang magbigay ng malinaw at tiyak na proteksyon laban sa diskriminasyon, maitaguyod ang pag-unawa at pagtanggap, at matiyak ang pantay na pagtrato at oportunidad para sa lahat ng indibidwal, anuman ang kanilang SOGIESC.

Tiyakin ang Ligtas, Accessible, at Inklusibong Edukasyon na Sumusuporta sa Pag-aaral at Pagkatuto ng Lahat ng mga Bata at Kabataan, anuman ang kanilang SOGIESC!

Ipasa ang SOGIESC Equality Bill, NGAYON NA!
#EducationForAll
#EndGenderBasedViolence
#NoOneLeftBehind
#EndDiscrimination
#PassSOGIESCEqualityBillNow
#PrideMonth2024