Blog
Tagumpay na naganap ang “MiyerKULET! Freedom Extravaganza: Watashi Pride Shorts.” Ito ay inihandog ng Human Rights and People Empowerment Center, kasama ang E-Net Philippines, at ang iba pang mga partner organizations.
MiyerKULET nanaman!
Pero alam niyo ba na hindi lang every Wednesday ang MiyerKULET? Mayroon na rin every Friday, 6:00pm. At tulad ng dati, admission is always FREE!!!
—
Noong nakaraang ika-30 ng Hunyo, tagumpay na naganap ang “MiyerKULET! Freedom Extravaganza: Watashi Pride Shorts.” Ito ay inihandog ng Human Rights and People Empowerment Center, kasama ang E-Net Philippines, at ang iba pang mga partner organizations.
Bago ipalabas ang limang maiikling pelikula, nagkaroon ng diskusyon kaugnay ng LGBTQIA+ rights at SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression). Naganap din ang isang talkback session pagkatapos ng screening ng mga sumusunod:
Dory (2017) ni Beverly Ramos
How to Die Young in Manila (2020) ni Petersen Vargas
Kontrolado ni Girly and Buhay N’ya (2019) ni Gilb Baldoza
Noontime Drama (2020) nina Kim Timan at Sam Villa-real
Si Astri Maka si Tambulah (2017) ni Xeph Suarez
Isa sa napag-usapan sa talkback session ay ang hamon sa atin na ipagpatuloy ang paglikha at pagpapalaganap ng sining na nagtataguyod sa ating mga karapatang pantao. Buong puso rin ang pasasalamat na inihatid sa ating mga director at manunulat na nagpaunlak sa ating talkback session.
You can access the MiyerKULET! Freedom Extravaganza schedule and press kit through this link: bit.ly/FreedomExtravaganza
Photo credits to: Human Rights and People Empowerment Center
#MiyerKULET
#HRPEC
#ENetPhilippines